MADALAS NA MGA TANUNGIN

Kung mayroon kang mga katanungan o puna, huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa support@kosmosmobile.ph

Ano ang Kosmos Hi-Lo at bakit ko dapat gamitin ito?

Ang Kosmos Hi-Lo ay isang "Libre" na application para makatawag, text(End to End Encrypted) at makipagkonekta sa mga kaibigan gamit ang Wifi o Cellular Data. Ang Kosmos Hi-Lo ay may dalawang(2) antas ng komunikasyon. Maaaring gamitin ang "Hi" upang makipag-usap ng mga may sensitibong impormasyon sa mga kaibigan. Ang "Lo" ay para sa iyong pang-araw-araw na pakikipag-usap sa iyong mga kaibigan. Ang Kosmos Hi-Lo ay may isang "Kill" na code - na tinatanggal ang lahat ng mga komunikasyon sa "Hi" sa loob ng app kapag ginamit.

* Kapag gumamit ka ng Kosmos Hi-Lo sa isang cellular data network - maaari kang singilin ng iyong carrier.

Kailangan mo bang magbayad upang gamitin ang Kosmos Hi-Lo?

Laging libre ang mga tawag at mensahe sa pagitan ng mga gumagamit ng Kosmos Hi-Lo.

Maaari bang gumana ang Kosmos Hi-Lo sa gamit kong telepono?

Ang Kosmos Hi-Lo gumagana sa karamihan ng mga iPhone at Android smartphone.

Ano ang Kosmos Hi-Lo Out?

Ginagawang posible ng Kosmos Hi-Lo Out para sa mga gumagamit ang makatawag sa landline o mga mobile phone number sa buong mundo mula sa kanilang mga smartphone sa napakababang mga rate .

Paano ako makakapagsimula sa Kosmos Hi-Lo?

I-download ang Kosmos Hi-Lo sa iyong iPhone o Android device - at mag-rehistro sa app - ganun lang kadali.

Paano ko makikita o mahahanap ang aking mga kaibigan?

Tutulungan ka ng Kosmos Hi-Lo na mahanap kaagad ang iyong mga kaibigan - tuwing may bagong gumagamit ng Kosmos Hi-Lo na magrerehistro. Aabisuhan ka namin kung ang gumagamit o user na iyon ay isang contact sa iyong address book bilang isang "suggested friend" sa iyong tab na "Friends". Makakatanggap ka ng isang abiso - ipaaalam nito sa iyo na may isang tao mula sa iyong contact na sumali sa Kosmos Hi-Lo.

Ano ang Kosmos Hi-Lo ID?

Ang Kosmos Hi-Lo ID ay nilikha kapag unang nagrehistro ka ng application. Ang bawat gumagamit ng Kosmos Hi-Lo ay magkakaroon ng natatanging ID na ito - upang ang ibang nasa Kosmos Hi-Lo network ay maaaring maghanap sa iyo at idagdag ka bilang isang kaibigan. Maaari mong i-disable ang iyong Kosmos Hi-Lo ID mula sa iyong sa profile page - kung ayaw mong mahanap ka ng iba.

Puwede ba ako’ng bumili ng Credits sa Kosmos Hi-Lo?

Oo - maaari kang bumili ng virtual Kosmos Hi-Lo Credits sa pamamagitan ng in-app purchase.

Paano ko sasabihin sa mga kaibigan ko ang tungkol kay Kosmos?

Magagamit mo ang "Tell a Friend" mula sa iyong Settings page upang magpadala ng email o mga mensahe sa iyong mga kaibigan tungkol sa Kosmos Hi-Lo.

Paano ako mag-rereport ng problema sa Kosmos?

Ang mga gumagamit ng Kosmos Hi-Lo ay maaaring magsumite ng mga katanungan o isyu sa loob ng app - sa pamamagitan ng "Tulong at Feedback(Help and Feedback)" sa ilalim ng "Settings".

Paano ko masusuri kung magkano ang singil sa pagtawag sa landline o mga mobile phone?

Sa ilalim ng "Settings" - mayroon kaming pahina para sa "Call-Out Rates" - maaari kang pumunta rito upang tingnan ang lahat ng mga bansa at ang kaukulang halaga ng bawat minuto.

Paano ko malalaman kung magkano na ang naitawag sa Kosmos Hi-Lo Out?

Maaari kang pumunta sa "Credits" sa ilalim ng "Settings" tab - at maaari mong makita ang iyong kasaysayan ng Credits.

Paano ako makakatawag gamit ang kosmos Hi-Lo Out?

Siguraduhin muna na nakabili ka ng "Credits" - pagkatapos ay pumunta sa tab na "Calling" - at pindutin ang "number pad". Dadalhin ka nito sa Kosmos Hi-Lo Out dialer. Piliin ang bansang nais mong tawagan at i-dial ang lokal na numero ng telepono sa lugar. Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa anumang pang internasyonal na prefixes - tulad ng "00" o "011" - kami na ang bahala nito para sa iyo.